Tag Archives: Tagalog films

Teleserye fever

Well, life… i guess wherever we are in this world, no matter in which time zone we happen to live, grow up, study, work or simply exist, our roots never leaves us. People who are uprooted from wherever they came from, separated with their family and loved ones for whatever reasons, tend to adjust in their host country.

Of course, “what to do?”– ika nga ng isang Pinoy na kakilala ko na matagal nang naninirahan dito sa Alemanya. Andito siya “para matustosan ang mga pamilya niya sa Pilipinas. Ang kanyang mag iina at mga magulang at kapatid na rin”. Oh, diva bongga? Ang pinaka gasgas na “linya” o “dialog” nating mga Filipino overseas. Pero, okay lang, kasi kahit papaano nakaka survive naman tayo, kahit san tayo mapunta. Dahil sa pagmamahal natin sa aking mga kaanak. Dahil sa motibasyon at ambisyon. Dahil na rin sa hangad ng magandang buhay sa ating bayan, kung sakali mang kakayanin ng umuwi at doon na nga manirahan ulit sa ating Inang Bayan sa ating pag tanda. OO, maraming mga tao na pre pareho pinag dadaanan sa buhay. Pare-pareho din ang hangad na ambisyon, pero magkaka iba lang ang antas ng hirap at sakit na nag udyok sa kanila na makarating sa kanilang kinaroroonan ngayon.

At saan man nga tayong mga Pinoy mapadpad, salamat sa teknolohiya, may mga Pilipino teleserye na napapanood natin online o naman kaya ay sa pamamagitan ng TFC (The Filipin Channel) subscription na pampalipas ng lungkot at pangungulila.

Dito po ako nanonood ng mga Pelikulang Pilipino online: Sine Pinoy

At sa kasalukoyan, ito naman po ang isa sa kinagiliwan ko at sinusubaybayang teleserye…

http://www.youtube.com/watch?v=PuMx16zrUJY

Nakaka aliw manood nito. Alam mo na, halo-halong emotion ang nadarama ko kapagnanonood ako nito. Anjan ang kilig, saya, (bumabalik na alala ng aking kabataan), excitement, pagka inis sa mga kontrabida at awa sa naaping bida. Naiinis din ako sa dulo ng bawat episode, dahil ibig sabihin mabibitin na naman ako. Pero excited na ulit na mapanood na naman ang susunod na kabanata nito.

Nakaka loka, pero sa toto lang, ito ang theraphy ko kapag tinatamaan ako ng pagka homesick. Ito at ang iba pang palabas sa telebisyon na napapanood na nga via online streaming.

Related Images: