Sa trabaho ko…

Sa trabaho ko, usapan  between me and my Filipino Guest (“guest”– not passenger and not customer.) 

Standard na sa akin na  sa bawat tanong meron na akong parang naka handang kasagutan. Yung sinasabi ko at yung sagot ko sa utak ko. Yes… minsan may pagka obnoxious ako… pasensiya po! Sa isip ko lang, either talagang interested ang tao o gusto lang maging polite para hindi ko isispin na “snobs” sila…I don’t really care! Actually trabaho lang po ito. Either i am really happy at magaan ang loob ko sa Pinoy guest ko or I don’t really mind and just do my usual routine.

Ang problema, para sa akin kasi, pagsasayang ng oras ang small talk na ganito ang takbo…. hehehe.

Pinoy guest:  san ka dito nakatira?

Me:  malapit po sa Frankfurt  (answer in mind: ahhmm, sa China? hello nasa Frankfurt tayo!)

Pinoy guest:  matagal ka na dito sa Europa?

Me:  hindi naman po masyado… (mga 2 dekada… interesado ka nga ba talaga?)

Pinoy guest:  san ka nagta trabaho?

Me:  ahhhmmm… (guest kaya kita sa trabaho ko? tanungin pa ba??)

Pinoy guest:  may asawa ka? Ilan ang mga anak mo? 

Me:   opo… wala po.

tapos…  

Pinoy guest:  ahhh… so matagal ka na pala dito???

Me:  taas kilay , nanlaki mata at napa nga-nga– …like… huh?? anyare?

Ok, inaamin ko passive naman kasi ang mga sagot ko sa mga tanong niya, kasi medyo obvious naman talaga.

Kala ko nga medyo stating facts nalang siya at hindi na asking question, hahaha!

 

 

 

Related Images: