My Lola, Angustia Bendijo-Zamora (1922-2017)

If I were to write an essay about the person I admire most, I would have to write about my Lola…since, next to my mom, of course, I admire my Lola the most. 

I just want to write down my thoughts during and feelings during Mamang’ s last days with us here on earth. It was a long and fulfilled life for her, I hope… no- I believe! Shame that she left us before our plans for a Grand reunion this year in celebration of her 95 years on earth came to.

My Lola was born in November 12, 1922 – before WWII broke out. She was with us for 94 years and some months. She lived a very fulfilling life with her children, grand-children and great-grand children.

Her dad, Mr. Gaudencio Bendijo was the second Mayor of Dipolog City. Her mom, Mrs. Antonina Zorilla was a simple housewife.

She was the eldest among three girls: Angustia, Rebecca and Delia.

She bore 10 children of which were:

5 Boys:  Czarito “Boy”, Raul “Nonon”(deceased), Reinaldo “Bebe”(deceased), Augustus “Dodoy” and Virgilio “Lodz”.

5 Girls: O’Lola “Inday”, Marilyn “Tata”, Fe “Pet-pet”, Marietta “Etta” and Naomi “Berns”.

Two sons passed away before her, Nonon and Bebe.

Out of the 10 children, she enjoyed and loved her grandchildren- me included in the pack of 30.

She also got to enjoy and be with her great-grandchildren – roundabout 28 of them.

Since her husband Papang Cesar Zamora,  passed away sometime in the 1980’s, Mamang raised all of her children alone.

She went to work when working mothers were still a scarcity. She sent her children to school and she helped raised her grandchildren without batting an eyelid. Hence, most of us grandchildren are “laki sa Lola”.

Sa lahat ng pinag daanan ng buong familia, nanatiling matatag si Mamang para sa mga anak niya. Ulan, bagyo, brownout, lindol at pati na din mga sakuna sa buhay ng mga anak niya, lahat yun…magka- kasama nilang nalampasan.

Isa ako sa mga apo na lumaki sa piling ni Mamang. Kay Mamang ko nakuha ang hilig sa mga libro at pagba basa. Naalala ko noon, nag sa-swap kami ng mga librong binabasa. Pati na din hilig sa mga Women’s journals na noon linggo-linggo namin binibili. Pag natapos na namin lahat basahin, inuutusan niya kami ng mga kapatid ko pumunta sa bookstore para bumili pa ng mga libro. Tini-ra namin mula sa War and Peace ni Leo Tolstoi, Anna Karenina, Jane Austen at pati na rin ang mga short romances nila Emilyo Bukog (Mills and Boon) hindi namin pinatawad. Ang mag solve ng crossword puzzle and word searches ay masugid din naming gawing libangan. Pero, bawal kaming mag basa ng komiks o makinig sa mga drama sa radyo.

Bukod sa pagbabasa, sa kanya ko natutunan ang mahalin at alagaan ang aking mga kapatid. Ang loyalty sa familya at ang tumulong sa kapwa, hangga’t sa maka-kaya. Hindi po ibig sabihin nito ay hindi ito itinuro ng sariling kong mga magulang sa akin. Noon po kasi, ang mommy at daddy ko ay nagta-trabaho sa Maynila at sa kalaunan ay sa ibang bansa. Kaya naiwan ako at ang aking mga kapatid kay Mamang.

Dalawang bagay ang pinag sisihan ko na hindi ko sinunod sa mga tinuro niya noong ako ay nag aaral pa. Ang pagluluto ng mga putahen Filipino at ang pag aaralan ang salitang Espanyol.

Pero sa lahat ng ibang bagay tulad ng respeto at pagmamahal sa pamilya, ang hindi pag gawa ng ika-sasama ng ibang tao, ang hindi pag susugal, ang hindi pag labas ng bahay kung hindi presentable-ilan lang sa mga pinangaral niya…lahat yan at iba pa, ay mananatili sa akin hanggang sa aking pag tanda.

`Mang, ma mi miss ko ang bonding natin sa beauty parlor-facial, manicure etc. Ma miss ko ang ma upo sa sofa, habang naka siksik kaming lahat sa gilid mo. Ma miss ko ang pag kanta mo ng „mocking bird hill and que sera-sera“ while tapping your fingers along the tempo. Ma miss ko ang iyong mga matatamis na ngiti. Mami-miss ko yung pag pina-pagalitan mo ako in English. Yap, si mamang kasi hindi nagmumura in tagalog or in bisaya… Pag galit siya, English po o kaya Espanyol ang gamit niyang salita.

Kaya, `Mang, iniwan mo man kami sa mundong ito, mananatili ka naman sa isip at puso namin. Ang lahat ng pangaral mo ay ipapasa din namin sa mga anak, pamangkin at apo.

Mang, nagpapasalamat po ako sa lahat ng sakripisyong ginawa mo. Sa pag aaruga at pag kalinga mo sa amin. Sa lahat ng pangaral at pag di disiplina mo. Matagal kang nagging haligi sa buhay namin.

Ang wish ko lang po, sana hindi ka namin binigo. Sana masaya kang pumanaw sa mundong ito, na alam mong maka-kayanan na namin mabuhay ng wala ka. Na sana, alam mong mahal na mahal ka naming lahat.

 

Related Images: