Nakahalungkat ako sa aming baol ng litrato ng aking pamangkin na si Duday… nung bagong dating palang siya sa Brussels, Belgium. Medyo hindi masyadong maganda ang quality ng litrato dahil kuha pa ito gamit ang aming antigong Canon Photoshop (ata). HIndi ko na rin talaga matandaan, hehehe. Talagang ganun na katagal, ahemmm!
Pero, teka ang thema ngayong Linggong ito sa LP ay “gulong”. Paikot-ikot at pagulong-gulong. Maraming gamit ang gulong…hindi lang pang sasakyan, kundi pwedeng salbabida, pwedeng laruan tulad nitong nakasabit sa poste na sinasakyan ng pamangkin ko. At ang pinaka hindi ko makalimutan, sa atin noon sa Pilipinas, yung gulong ng bisekleta na tinutulak ng kahoy ng mga bata para pagulungin sa kalsada. Habulan kaming lahat sa lumang gulong ng bisekleta. Pag tumumba na, iba naman ang tutulak padaosdos sa kalsada. Tuwang-tuwa na ako noon sa larong iyon. Iniiyakan ko nga iyon pag hindi ako naka tulak sa gulong. Ang tuwa ko noon hindi maiku-kompara sa aliw ko ngayon habang nag wi WII ako, hehehe.
Ito siya noon at ngayon:
Naisip ko lang, ganoon na ako katanda. Naman kasi ang aking pamangkin ngayon ay dalagang-dalaga na. At noong pinakita ko sa kanya ang mga lumang litrato niya sa palaruan na ito, nahihiya na siya… aba, aba, aba! Akala niya ata wala akong pang blackmail sa kanya pagtanda niya.
Related Images:
no images were found