Spending quality time with family or “bonding”…that is actually the best way to spend vacation. Days or weeks free from the busy and stressful corporate life. Just a few days in a month, perhaps even a week or two every 3 months? However possible, take the chance whenever it presents itself – I would take it-correct that, I would grab it faster than i could blink an eye ;).
Nakakapagod kasi. Ang buhay ko sa ngayon ay may dalawang kinagagalawan laang, ala eh! . Trabaho at Bahay. Sa trabaho, nauubos ang oras sa pagiging stressed out. Mahirap kasing makipag sabayan sa isang mundo ng magka-ibang lahi at kultura. Palaging taliwas ang mga opinyon. Palaging may diskusyon. Palaging may nagpa palapad ng papel at meron ding malalapad ang fes na nagpupumilit iginiit ang baluktot na idea na kanilang naiisip.
At sa bahay naman: nauubos din ang time para sa gawaing bahay. Parang walang katapusan ang labahin at palantsahin. Di ko rin alam kung bakit kahit Weekly ang paglilinis ko sa bahay ay kasing kapal pa din ng abo ng mount Pinatubo ang alikabok sa loob ng bahay ko.
Minsan naiisip ko, siguro pwede na kumuha ng tulong like isang beses sa isang linggo. Maliit lang naman ang bahay.Kayang kaya ng 4 na oras na trabaho. Ang problema, matagal ang biyahe kung via public transpo. Hmmmm…
Pero, ngayon ay medyo aligaga na naman ako. May malaking kaganapang mangyayari sa buwan ng Hulyo. Sa totoo lang hindi na mapakali ang loley sa pag hahanda. Puno na ang jeepney para sa sunod na biyahe. Kapit na!