Simula nung ako ay bata pa lamang ay nakahiligan ko na ang mag basa. Oo, simula sa mga Nancy Drew, Hardy Boys, Sweet valley High, Emilio Buto (Mills and Boon) hanggang sa mga Daniel Bakal (Daniel Steel) at iba pang Romance novels. Hanggang ngayon ay kinagigiliwan ko pa rin mag basa. Tulad ng Happy Rotter (este, Harry Potter) na akda ni J.K. Rowling at ng mga akda nila Dan Brown, John Grisham, James Patterson. Kasama na rin si Mary Clark Higgins. Pinag daanan ko din namang basahin ang mga bigating sina Leo Tolstoi, Anna K., At mga akda ni Jane Austen. Namuti ang bawat hibla ng mga buhok ko jan… kasi kinakailangan kong basahin para sa eskwela ang mga yan.
Ngayon naman, namumutla naman ang wallet ko, kasi ang mamahal na ng mga babasahin Ingles dito sa Alemanya. Mabuti nalang at doon sa dati kong pinag ta trabahuhan ay nakaka deilihensiya ako ng mga librong itinatapon na dahil hindi nabebenta. Mga top seller din naman sana, kaya lang bihira lang ang namimili ng English books nila. Kaya kesa gumastos sila sa pag mail nila ng sangkatutak ng libro, ay tinatapon nalang nila ito. Yun nga lang hubad sa likod ang mga binabasa ko kasi ang back cover ay tinatastas nila para isauli sa publishing house. Okay lang din. Ang mahalag ay libro ito at higit sa lahat, nakukuha ko pang ipagpatuloy ang kinagisnan kong “hobby” ang pag babasa.
Nitong mga huling buwan, mas napapabilis ang pag tapos kong basahin ang isang libro dahil sa trabaho ko ngayon, may time ako mag basa. Pwedeng-pwede kami magbasa ng libro, huwag lang newspaper, magazine, or tablet. Bawal mag internet for personal use at bawal din mag telebabad. Kaya nag stock ako ng maraming libro. Tuwing may pagkakataon na makapag uwi ako ulit ng mga patapon na libro ay gina-grab ko. Madalas isang malaking shopping bag na puno ng libro ang nai uuwi ko. Oo, natatapos ko naman silang basahin. Pag tapos na ako ay pinamimigay ko na din sa mga interesado o kaya ay dinadala ko sa Brussels para naman sa mga kapatid ko. Sila din ay mahilig mag basa. Talagang nasa lahi na rin ata namin yun. O di kaya ay sa pagpapalaki sa amin ng aking mga auntie at Lola. Naalala ko pa, palitan kami ng librong binabasa. My Lola used to bring lots of books at home. Borrowed books lang from the library at sa book-swapping stores sa manila. Mabibili mo ang libro ng 2,50 pesos pataas, depende sa author at kung bago pa ito. Pagkatapos mong basahin pwede mo itong i swap for other books at same price or lower. Unahan kami ng pili kung ano ang gusto naming basahin at pagkatapos ay nagpapalitan naman kami. Kinagagalitan ang pinaka matagal matapos mag basa. Kasi, gusto pa namin itong i swap for other books nga. Maganda ang kinagisnan naming magkakapatid na hobby. At masaya ako na hanggang ngayon ay nagagawa ko pa ito. Thank goodness, libre na ang mga libro ko.