Tapos na ang weekend. Ang araw ng Linggo ko ay natapos sa pag pa plano kung ano ang kakainin namin at sa pagluluto nito.
Sa hindi ko naman maipaliwanag na pangyayari, mga bandang alas siyete ng gabi, biglang sunod-sunod ang pag dighay ko. Hindi ko naman ito mapigilan kasi masarap naman talaga ang pakiramdam pagkatapos dumighay. Di ba nga ang mga baby, pagkatapos dumede, agad pinapa dighay? 🙄 🙄
(My Sunday was spent planning and cooking the meals. Suddenly, for some unknown reason, at around 7pm, I started releasing air from stomach but not from below (duhh!!) – OK, I have to say, just like a baby, I was happy belching out repeatedly– 🙄 :roll:)
Illegal belcher ang loley! Kung may MMDA dito, mati tiketan na sana ako.
Sabi ni Baners: “Anyare sayo?” (Hubby asked what happened ?)
Sabi ko: “busog po”. (I replied: Tummy tum-tum is full)
Sabi niya manners daw. (Mind your manners, please.)
Ayy.. .manners! Oo nga pala!!! Okay lang suminga at mangolangot sa harap ng ibang tao huwag ka lang dumighay! …
… haaayyyy! ang buhay nga naman ng alalay!
(You may drill your nose or blow it till your lungs bursts out in front of others.. just please DO NOT belch!)