Bagong simula…. ulit!

Galing lang ako sa isang job interview kanina. Nakita ko sa internet ang job opening na ito at dahil sa mukhang maganda naman ang alok nila, nag desisyon akong magpadala ng aking resume. Isa pa, isang malaking kumpanya ito dito sa Frankfurt am Main, kaya sa palagay ko ay malabong mag sara ito. Nitong mga huling dalawang taon kasi, maraming maliliit na kumpanya ang nagsara o di naman kaya ay nabili ng mas malalaking kumpanya. Oo, mahalaga na din sa akin ang laki at katayuan ng isang kumpanya ngayon. Dati kasi, okay lang kahit anong kumpanya, basta gusto ko ang trabaho ko at ang mga ka-trabaho.

Kaso, karamihan sa mga kumpanya ay hindi na nag re regularize ng employees. Puro extensions lang ang binibigay nila. Yun namang na-tiyempohan ko na nag re regularize eh sobrang dadaan ka naman sa butas ng karayom… este, talagang masahol pa sa pang aalila ang ginagawa nila sa iyo. Talagang inaabuso nila ang employees since iniisip nila na takot mawalan ng trabaho ang mga ito.

Bakit kaya di naman sila maging fair sa empleyado?

Habang pina pa-kinggan ko ang  interviewer ko kanina sa kanyang pag e-eksplika paukol sa benepisyo na matatanggap ng isang empleyado, iniisip ko na rin ang mga kailangan kong ipaalam sa kanila at mga opinyon ko. Nagkasundo naman kami.

Sabi ko interesado ako sa isang alok nila. Kaya lang sa katapusan pa akong ng taon pwedeng mag simula. Okay tatawag o susulatan daw nila ako kung kelan mag sisimula ang training for the job. 3-4 weeks training daw ang kailangan kong gawin. Tapos dapat, maipasa ko ang exam pagtapos ng training. Kung pasado naman daw ako ay saka pa ako pipirma ng kontrata sa kanila. Habang nag te-training may suweldo na rin daw akong matatanggap. Not bad. Kaya pumayag na ako.

Sana, maipasa ko ang lahat ng pagsubok nila. Sana maging masaya ako sa kumpanyang ito. Sana, okay rin ang mga maka ka-trabaho ko. Kung hindi man, basta, sana maka tagpo ako doon ng mga matitinong ka trabaho. Sana din, magustuhan nila ang performance ko. At ang pinaka malaking sana, pareho SANA kaming (ako at ang aking magiging amo) maging masaya sa isa’t-isa.

Ang daming “sana”. Pero ganito talaga. Kasi, bagong simula na naman ito para sa akin.

Sana….

Related Images: