It’s almost over: the month, the year. The beginning of the end, so to say. The beginning of the “ber” months. “Ber” as in, “September, October, November and of course December”.
With it comes the promise of the beginning of the new season, “autumn”, the start of the holiday seasons – that ends with Christmas holidays.
But it’s not only that, November is also for me, memorable since I know not just one, but several people close to me who are celebrating their birthday on this month… the loving ones, the cuddly, the sensitive and creative. They are artistic and very much successful in whatever they aspire to do.
Pero ang laki na ng pinagbago sa mga panahon ngayon. Dati-rati, kung may birthday, handaan lang. Kumbidado lahat sa isang malaking pagsasalu-salo. May mga batang kakanta at sasayaw. Tapos okay na ang program. Kainan at inuman na agad magdamag.
Tapos na uso ang sing-along, Sa bawat handaan, hindi pwedeng walang kantahan. Minus one man o laser disc basta may micropono at speakers, okay na. Ngawa-an, inuman at kainan na– pamorningan pa. Ang nakaka aliw nowadays, kung may birthday-han, hindi na pwedeng mawalan ng Cotillon. Ang sa pagkaka alam ko kasi, ang sayaw na Cotillon ay para sa debutante lang. Lam mo na, 18 years old birthday. Introducing a young lady into the society. Siyempre, kumpleto lahat, aside from the 3 or 4 layered cake, the first dance with the father of the celebrant, the cotillon dance, 18 candles and 18 roses.
Pero hanep na ngayon… it doesn’t matter anymore what age they are celebrating, sa bata, 7, 8 or 10 years old… sa matatanda, din ganun din. Kadalasan naman round birthdays, 30, 40 or 50 years old. Importante, ang celebration, ang program ay parang ganun din sa debutant. Hindi na importante ang edad basta may pera, may venue at gustong mag pa bongga—go na. Nakaka aliw, kasi hindi na mga bata ang nag sasayaw sa program. Matatanda na din. Iba-ibang lahi at edad, basta sayawan… bira na agad. May modern, may hawaian at siyempre walang kamatayang cultural dance. Tinikling, pandanggo sa ilaw, at iba pa. Hindi rin nawawala ang oldies but goodies na ballroom dances: Cha-cha, Salsa, Bacchiata, Foxtrott, Rumba. Dahil dito, kasama ang lola niyong naiimbitahan sa mga handaan. Isang grupo ng mga young at heart na ladies na may komun na kagustohan. Ang mag sayaw. Pwedeng cultural/folk dance, pwede din modern at kung gusto niyo ay sasabak din sa Boogie, Salsa, Samba at Cha-cha na naka stilletto pa. Hayaan niyo na ang wanka-ta ng mga Loley– medyo papasa pa naman diba? 🙂