Tadhana…

“Ang hindi lumingon sa pinang galingan ay hindi maka-rarating sa paro-roonan…”(Dr. Jose Rizal)

Bakit kailangan lumingon pa? Hindi kaya ito pa ang makaka hadlang sa pag sulong ng kabuhayan?

Hindi ba pwedeng mag sumikap na lang para makarating sa pupuntahan?

Hindi ba pwedeng ang disiplina nalang ang dahilan para makarating sa patutungohan?

Umiikot ang buhay ng tao na parang gulong.

Ang pinagda daanan na tahak ay iba-iba.

Minsan, malubak, minsan mabato, minsan naman lubog sa tubig o kaya naman ay ma putik. Ngunit, dahil hindi ito huminto sa pag gulong, sa katagalan ay nakakarating din naman sa maganda at sementadong daan. Pero tulad ng bilog na mundo at bilog na gulong, pwede din namang sa hindi katagalan ay dumaan na naman ang gulong sa mabato, maputik at malubak na daanan.

Importante, ang mag sumikap na makabalik ulit sa sementado at tuwid na daan.

Sa istorya ng buhay ko, dinala ako ng ihip ng hangin dito sa kina lalagayan ko ngayon. Lumipad sa himpa-pawid ang eroplanong sakay ako mula sa Pilipinas papuntang Europa. Nakarating ako dito na ang baon lamang ay pangarap at tatag ng kalooban.

Pangarap na ta-tanggapin ako ng maayos ng banyagang mundong aking pupuntahan. Pangarap na maka kuha o makahanap ng marangal na trabaho. Pangarap na maka tulong sa pamilya ko na magkaroon ng maayos na buhay. Pangarap na mapaayos ko din ang aking sariling buhay. Isang ma habang biyahe na karga ang napaka raming pangarap at ang tanging sandata ay ang katatagan ng aking kalooban. Buo ang paniniwalang makakamit ko din ang aking mga inaasam.

Subalit, kaagapay ko din sa biyahe kong ito ang aking nakaraan.

Na karaan na pilit kong iwanan. Balak kong kalimutan, talikuran at hinding-hindi na muling ba-balikan.

Ngunit ang tadhana na mismo ang nag takda.

Ang nakaraan ko ay katanungan ng nasa itaas. Ang aking kasagutan magsi silbing pisi ng tadhana ng buhay ko. 

Ang mga susunod na udyok ng damdamin at hakbang ng aking mga paa ang magi-ging takbo ng gulong ng aking Kinabukasan.

Related Images: